Welcome to SEAS: Filipino
Ang George Washington University (GWU) ng School of Engineering at Applied Science (SEAS) ay may malaking at magkakaibang internasyonal na mga mag-aaral galing sa iba’t ibang bansa. Binibigyan namin sila ng malaking tulung simula sa pagdating nila hanggang sa pagtutuloy ng kanilang pag-aaral. Pinahahalagahan namin ang aming mga internasyonal na mga mag-aaral at nagsusumikap na magbigay sa kanila ng suporta. Tinutulungan sila sa pagaayos ng mga dokumento na kailangan at mga hakbang na ka kailanganin bago dumating sa GWU. Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano maging estudyante at ang mga pamamaraan para sa mga papasok na internasyonal na mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbisita sa GWU website: International Admissions Information.
Ang George Washington ay nagsimula noong 1821 ayon sa Act of Congress. Si George Washington ang unang pangulo ng Bansa ng Amerika. Siya ay naghangad na magtayo ng Pamantsa sa Kapitolyo ng bansa upang turuan at ihanda ang mga kabataan para mamuno sa kinabukasan. Ang School of Engineering and Applied Science (SEAS) ay itinayo noong 1884. Ito ay naging Corcoran Scientific School of Columbia University. Ipinangalan ito kay William W. Corcoran, pangulo ng mga namamahala ng pamantasan magmula sa 1869 hanggang 1888. Ito ang kaunaunahang pamantasan na tumanggap ng mga babae sa kolehiyo ng mga inhenyero. Ang pinaka prinsipyo ng aming programa ay ang pagsulong ng teknolohiya. Ngayon ay mayroong dalawamput iba’t ibang iniaalay na programa para sa mga gradwado na estudyante.
Ang mga maaring matanggap sa graduate school o doctoral program ay tutulungan ng opisina ng SEAS sa pagaayos ng mga papeles na kailangan ng Immigration Office. Bibigyan din sila ng mga kakailanganin nilang malaman. Bago magumpisa ang semestra, ay maglilipon ang mga estudyante na galing sa iba’t ibang bansa sa Foggy Bottom Campus, upang ihanda sila sa patakaran ng pamantasan. Ipaaalam din sa kanila ang mga resources ng kampus at sa paligid ng DC.
Ang George Washington University ay nasa kalagitnaan ng kapitolyo ng bansa. Ang mga propesor at estudyante ay malapit sa mga namumuno at propesyonal ng disiplina. Dahil dito ang mga estudyante ay magkakaroon ng praktikal na kaalaman at karanasan sa paglahok sa pagsasanay ng kaalaman at lokal na kumpanya, gobyerno at samahan sa kalakhan ng Washington DC. Ang GWU ay binubuo ng tatlong gusali kalakhang Washington DC. Ang pangunahing gusali ay Foggy Bottom, isang distrito na malapit sa gitnang lungsod ng DC, matatagpuan ilang bloke mula sa White House. Foggy Bottom ay isa sa pinaka ligtas na lugar sa DC. Ang departamento ng pulisya ng GWU ay lubos na nagsisikap upang bantayan at matyagan ang mga gusali at karatig na lugar. Ang Foggy Bottom ay matatagpuan malapit sa National Mall na nagtataglay ng madaming monumento at karamihan ay museo ng Smithsonian.